Spouse and Child Care Benefit

Spouse and Child Care Benefit

Nitong nakaraang linggo hindi ko inasahan na hindi makapasok sa trabaho dahil isinugod ko ang aking anak sa hospital dahil sa pagsusuka at pananakit ng tiyan o sikmura. Halos apat na araw din na-confine ang aking anak at sa mga araw na ito ay hindi ako nakapasok sa tindahan para magtrabaho. Lubos po ang aking pasasalamat dahil mayroon tayong benepisyo na Spouse and Child Care Benefit (SCCB). Dahil dito panatag ang aking kalooban na kahit hindi ako nakapasok sa tindahan ng ilang araw ay bayad pa rin ako. Ibig sabihin nito na may kita pa rin ako sa apat na araw na iyon na maaari kong pandagdag sa aming hospital bill at gastusin. Ito rin ang unang beses na magagamit ko ito. Kaya naman nagpapasalamat ako sa aming SE na nagbahagi at nagpaalala sa akin ng benepisyo ito. Bukod pa sa SCCB na benepisyo ay mayroon din pala tayong Sarilikha BK mula sa ating kooperatiba. Kaya maraming salamat at mayroon tayong ganitong mga benepisyo na malaking tulong para sa mga Panday.